Thursday, March 11, 2010

Ang Pagpapagaling ng Panginoong Jesus sa Tulong ni Mama Mary

September 2, 2009 by MMM  
Filed under Testimonies of HEALING

by: Bro. Serafin Valenzuela

Na discover naming itong Tierra de Maria sometime last July 2002. May nakapagsabi kasi sa friend naming na mayroong Mama Mary sa may Tagaytay na tapat ng DAP na 50 ft. ang height ‘nya, na kapag humawak ka ay para kang inuugoy, nagbibigay din daw ng petal na rose na kapag natuyo ay may sari-sari image ni Jesus o kaya image ni Mama Mary at may mabibili daw na Rosary tape. Every 1st Friday kasi pumupunta kami ng Pink Sister, afterwards tumutuloy kami sa Good Sheperd, pero di naming pansin itong Tierra de Maria.

Nang mabalitaan nga naming, 1st Friday ng July last year ay hinanap naming ito, nakita nga naming. Tuwang tuwa kami. Unang punta namin ang unang hinawakan naming ay ‘yung Our Lady of Guadalupe ‘yon pala ang nagpaparamdam na parang inuugoy ka at saka si Jesus Christ, naramdaman naming ‘yung heartbeat ‘nya. Pare pareho kami ng naramdaman. Sa tuwa ko, parang di ko nga maipaliwanag kung ano talaga ang naramdaman ko, pero napaiyak ako. Buhay na buhay talaga silang dalawa. Ang isa pang nakakatuwa ay naghulog ako sa petition box pagkatapos kumuha ako sa may basket ng na may naka roll na papel at nang basahin ko ay nasabi ko ay sinagot na ‘ung petition ko. Gumaang ‘ung pakiramdam ko para akong muling nabuhay kagaya ni Jesus.

Nang matapos na kami nakita naming na may nag-papapray over di pa naming kilala si Bro. Jiggers, nagtutumbahan sila, (na-slain in the Holy Spirit). Di kami nag-pa pray over nung time na yon dahil wala pa kaming nararamdamang sakit sa katawan at sabihin na nating parang nahihiya pa kami. Sa madaling salita binale wala namin ‘yon.

Umiwi kaming magkakasama na tuwang tuwa ang sabi naming ay every 1st Friday ay dadalawin namin itong Tierra de Maria. Nang pangalawang punta naming ang natatandaan ko ay sumakit ang bewang ko, na ako’y naglalakad ng papilay-pilay. Di nga kayang maipinta ni Amorsolo ‘yung mukha ko dahil sa nararamdaman kong sakit. Nang papasok na ako, nakita ako ni Bro. Jiggers na papilay-pilay, inakbayan ‘nya ako at binulungan kong gusto kong magpapray-over. Di naman ho sa pagmamalaki nag-pre-pray over din po ako ng may sakit.

Pero sa pagkakataong ‘yon hindi ko tinanggihan ang alok ni Bro. Jiggers dahil talagang napakasakit. Sabi nga nila bakit pag sarili mo di mo kayang I-pray over, siguro dahil nawalan ako ng faith, di ko inisip na hindi naman ako ang magpapagaling kung hindi si Lord. Sabi ko nga kay Bro. Jiggers meron pa ho akong biniling crystal na ginigamit ko sa pranic healing. Pero noong mga sandaling ‘yon di ko siya nagamit para sa sarili ko. Dahil sa mga kinuwento ko kay Bro. Jiggers sinabihan ‘nya ako na di daw pinagaaralan ang pag hi-heal kundi ito ay nanggaling kay Lord. Sabi ko na nga sa sarili tama nga si Bro. Jiggers.

Pagkatapos naming magdasal ay dinasalan na kami ni Bro. Jiggers, talagang napaiyak ako dahil naramdaman ko noong pagkatapos ‘nya kaming dasalan ay nawala ‘ung sakit ng bewang ko. Talagang nagpatotoo si Mama Mary at si Lord na siya lang talaga ang kagalingan wala nang iba. Pati ung iba kong kasama ay nagsabi na parang may humihipo sa kanila doon sa parte na kung saan masakit sa kanila. Talagang naramdaman naming ang pagpapagaling ni Lord. Noong mga sandaling iyon ay masayang masaya kami. Di kayang tumbasan ng kahit ano ang aming naramdaman. Basta masaya kami.

Lahat po kaming magkakasama ay naglilingkod sa Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran. Pero ang di po naming lubos maisip ay bakit parang tinawag ‘nya kami dito sa Tierra de Maria. Ako nga po ay nag-isip din, kung ano talaga ang mensahe sa akin ng mga pangyayaring ito.

Akalo ko tapos na ung problema ko pero di pala may mas matindi pa na pagsubok ang ibinigay sakin. Sakit na sa tanang buhay ko noon ko lang naramdaman. Akala ko nga ay kukunin na ko ni Lord, pakiramdam ko oras ko na. Nang yari ito bago ako mag birthday noong September 2002. Sa tanda ko mga buwan ng August ‘yon parang may dumikit sa balat sa may leeg at dibdib ko na nagsimula na magkaroon ng sugat at tumindi yung kirot ‘nya. Di ako pumunta sa Doctor, nang mga sandaling ‘yon si Bro. Jiggers ang naisip ko. Sira ang sasakyan ko kaya’t nag commute na lang ako. Nagulat nga si Bro. Jiggers ng makita niya pulang pula at nag-uumpisa na, na mag sugat ung aking leeg at dibdib. Ilang beses ako nagpabalikbalik sa kanya para mag-padasal na mawala kung ano mang evil spirit ‘yung nasa akin ng mga sandaling ‘yon. Awa naman ng Diyos gumaling ako bago ako mag-birthday. Pauwi na ako galling sa Redemptorist, nagmamaneho ako ng may biglang parang may bumunot na tinik sa aking dibdib, sumagi pa nga sa may pisngi ko. Sa totoo lang nagulat ako, ang nasabi ko lang nang sandaling yon Lord salamat, naalis na, galling na po ako. Thank you Lord! Nagpapasalamat din ako kay Bro. Jiggers dahil sa pagtitiyaga ‘nya, sa pag pray-over ‘nya sa kin. Si Bro. Jiggers din ang nagmulat sa akin na makilala ko ang sarili ko ng lubusan yung matagal ko nang tinatanong sa aking sarili kung saan ba talaga ako.

Ang nakita ko lang na gustong ipahiwatig ni Mama Mary at ni Jesus Christ sa nagging karanasan ko ay “Hanapin mo at iyong makikita, Kumatok ka at ikaw ay bubuksan ayon sa kalooban ng diyos”, evangelization at ipamalita na talagang ang kagalingan ay nasa Panginoon, kay Mama Mary at kay Kuya Jesus. Ang healing ay di binabayaran ito ay kusang ipinagkakaloob ng ating Panginoon. At bilang tulong naming mag kakasama ay ipaalam naming sa ibang tao itong Tierra de Maria, at yung pag papagaling na aming naramdaman physically at spiritually, dahil sa tulong ni Mama Mary.

Remember someone is always praying for you.

Mama Mary is touching your heart through our website, there is a litany of ways and means within our website that you are being chosen to manifest your love, following the greatest commandment, Love God above all and love one another. The choice is yours, follow what your heart tells you. There is so much to be done. We need your help. Do something. Anything.

If you wish to know how you can get involved, email us by filling up the fields below and by doing so, your name will be added to our WALL OF PEACE. The Wall of Peace is our way of thanking all our brothers and sisters who are a vital part of Mama Mary’s legacy and will be offered perpetually in prayer as we unite regardless of race, color or creed as one love, one family, one world, Mama Mary’s Online Family.